Yung totoo,
hindi ko alam paano to sisimulan. Nakalimutan ko na din ata kung paano
magsulat. Parang nilipas na ng panahon yung lahat ng natutunan ko sa writing class
ko at sa mga workshops na napuntahan ko. Pero gustong gusto ko lang talagang
isulat tong nararamdaman ko.
Dahil sa Gilas. Para sa Gilas.
Dahil sa Gilas. Para sa Gilas.
![]() |
Credits to the owner |
Hindi ko alam
yung mararamdaman nung sumasabog na sa twitterverse yung score. At nasa Shaw pa
lang ako. Pauwi ng bahay. Wala akong pakialam kung mahablot yung cellphone ko
sa daan. Basta ang alam ko, kailangan ko ng update sa laro dahil sure ball ako
wala na kong aabutan sa TV paguwi. Hanggang pagsakay ko, sa cellphone pa rin
naka tutok yung mata ko. Lamang. Dikit. Tabla. Last 2 minutes. Nafoul.
Turnover. Timeout. Freethrow.
Hanggang sa may nagtweet.79-81
GILAS. Hindi ko alam yung mararamdaman. Nanginig. Naiyak. Kinilabutan.
Yung feeling na gusto mong sumigaw sa sasakyan na YES PANALO GILAS! ANG SAYA
WOOOHHHH! GALING! ASTIG! Na may kasamang malakas na palakpak. Pero siyempre
hindi ko ginawa kasi baka idiretso ako sa mandaluyong nung driver.
![]() |
Photo From Fiba.com/ Reposted from Bea Fabregas |
Pero iba lang
talaga yung feeling na sa hinaba haba ng prusisyon. Sa dinami dami ng muntik,
lamang, halos, dikit. Eto na. Nakamit na
yung pinakamimithing panalo. Sinagot na ng langit yung dasal ng 81 milyong Pilipino
sa buong mundo.
Biglang
natambakan yung sakit nung apat na talo. Nakalimutan na na no-bearing na yung
laro. Dahil mas nangibabaw yung PANALO. Yung panalo makalipas ang tatlumpung
anim na taon. Inilista na yung pinakamatamis na tagumpay. Ng Gilas. Ng
Pilipinas. Ng mga Pilipino. Ibang klase.
Habang nasa
biyahe. Wala akong ginawa kundi mag post, magrepost at magfavorite ng mga tweets.
Paulit ulit na Panalo. Salamat. Yehey. Ayos. Sarap maging pinoy.Lahat na ata
naretweet ko. Sobra sobrang kasiyahan
yung nararamdaman ko. Daig pa yung nanalo sa lotto. Daig pa yung feeling pag
nagkatuluyan kayo ng dream boy mo.
Alam ng
karamihan sa atin na hindi biro ang pinagdaanan ng team na to. Sa FIBA Asia pa
lang dugo’t pawis na ang kanilang pinuhunan. Ilang talo. Ilang Injuries. Ilang
Players issue. Pero ganun pa man hindi rin matutumbasan ang mga nakamit nila. Pagtapos
sa sumpa ng Korea. Pagpunta sa world cup makalipas ang halos apat na dekada. At
higit sa lahat ang pagbabalik ng Pilipinas sa mapa.
Isama na natin
yung mga sakripisyo ng bawat miyembro ng koponan na ito. Yung mga pamilyang
naiwan. Yung mga anniversaries na hindi nacelebrate. Yung mga birthdays na
hindi nasaksihan. Lahat yun tiniis at kinaya ng mga bayaning ito para sa larong
kinagiliwan. Para sa bayan.
Habang iniisp ko
lahat nang ito. Hindi ko maiwasang mamangha, humanga at maluha. Ibang klase.
![]() |
Credits to the owner |
Yung Luis Scola
at JJ Barea na pinapanood lang natin sa TV noon, ngayon kalaro na nila. Sa
sobrang saya pa ni Norwood dinakdakan pa ng harap harapan si Scola. Si Alapag
naman nakipagsabayan kay Barea. Pati si Junemar, si Japhet at si Ping
nakipagbanggaan sa mga mama ng Greece at Croatia kahit pa limang pulgada yung
diperensiya nila. Hindi natakot. Pumuso lang ng pumuso. Hindi rin nagpahuli
yung Chan, yung Tenorio, Yung De Ocampo, yung Castro, three points dito, pull
up dun, drive dito, lay-up dun. Sabayan pa ng four-points play nung angas ng
Tondo. Yung Lee. BANNGGGG!!!! Yung FIBA fans nagwawala. Mas masarap pa daw
panoorin yung laban ng Gilas kesa sa USA at Espanya. Si Gary, na pinagdyaryo.
Pinagbrick game. Pero hindi ininda. Bagkus patuloy lang na sumuporta. Sabi nga
ni Nikko Ramos. “Si Gary. Inuna yung Chan. Inuna yung team. Inuna yung bayan.”
Yung Blatche
naman. Yung Dray na dalawang araw lang sinikatan ng araw sa Pilipinas. Na
dalawang linggo lang nagensayo kasama ang Gilas. Sumabak sa court. Lumaban.
Nakipagbanggan kahit nasasaktan. Si Dray na pwede namang magpalakas na lang at
siguraduhin na malusog siya sa darating na NBA. Pero mas piniling maglaro para
sa bayan na ilang libong milya yung layo sa bansang kanyang sinilangan. Binigay
yung buong puso kahit na hindi niya naiintindihan yung #LabanPilipinas #Puso
kasi tagalog.
At siyempre hinding
hindi ko makakalimutan yung utak na nasa likod ng labindalawang makikisig
nating manlalaro. Si Chot. Si Coach Chot at ang staff niya. Si Coach Chot na
tumanggap ng hamon sa pinakamalaking laban ng Pilipinas sa mundo ng basketball.
Yung iniwanan din muna yung pamilya. Yung nagpuyat mula simula para pagaralan
at pagplanuhan yung bawat hakbang na gagawin mula FIBA Asia hanggang sa
Espanya. Yung inako yung sisi nung hindi nanalo sa Argentina. Si Coach Chot. Ibang Klase.
Sa isang bansang
baliw sa basketball. Wala nang mas sasaya pa na makita yung team mo na pinupuri
ng buong mundo. Sa mga magandang laban kahit na talo, lalong lalo na sa isang
matamis na panalo. Panigurado ngayong gabi lahat ng Pilipino masarap ang tulog.
Lahat nakangiti. Sa nakamit ng Gilas. Sa nakamit ng Pilipinas.
Hindi ko alam
kung paano magpapasalamat sa Gilas. Bukod sa mga karangalang nagawa nila. Bukod
sa saya na dinala nila. Hindi matatawaran yung inspirasyon na binigay nila sa
lahat ng taong naniwala at patuloy na nainiwala.
Mas naapreciate
ko yung pagkabaliw nating mga Pilipino.Yung pagkahilig nating mangarap ng
sobrang taas. Kasi sa nagawa ng Gilas. Posible pala. Na kahit ano pala kaya
nating gawin. Basta may #PUSO. Kahit sino handang tapatan. Basta may #PUSO.
Kahit na halos buong
mundo hindi naniniwala. Kahit na halos buong mundo pinagtatawanan ka sa simula.
Kahit na hindi ka naiintindihan ng karamihan ng tao sa espanya kada sasabihin
mong #LABANPILIPINAS . Yung Gilas, lumaban pa din. #PUMUSO.
Ngayon mas
naniwala ako sa kwento ni David and Goliath. Mas naniwala ako sa kakayahan
nating mga Pilipino. Mas nainspire ako na abutin ang mga pangarap ko. Na gaya
ng Gilas, may mga bagay akong kayang gawin kahit na buong mundo pa ang magduda. Kaya pala, kahit ano. Basta magtitiwala, magtattrabaho lang ng buong
#PUSO.
SALAMAT GILAS!
MARAMING
MARAMING SALAMAT!
GILAS KONG
MAHAL.
#LABANPILIPNAS
#PUSO
No comments:
Post a Comment